Listen

Description

MARTES, DISYEMBRE 26, 2023
Kapistahan ni San Esteban, Ang Unang Martir
Ikalawang Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

[MABUTING BALITA]: MATEO 10:17-22

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayun din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at papapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”

Reflection by Nadz Gawat: Training Head-BDO Network Bank-MSME. Preacher-Pathways ministry. Member-Ang Ligaya ng Panginoon Community. (Note : 1st and 3rd Friday of the month LNP).

#POHopegiver #LandasngPagasa #Hesus