HUWEBES, MAYO 30, 2024
Huwebes sa Ika- 8 na Linggo sa Karaniwang Panahon
MABUTING BALITA: MARCOS 10: 32 - 45
Dumating sina Jesus sa Jerico. Nang paalis na siya sa lugar na iyon kasama ang mga alagad at marami pang iba, naroong nakaupo sa tabing daan ang isang bulag na pulubing may pangalang Bartimeo, anak ni Timeo. Nang marinig niyang naroon si Jesus na taga-Nazareth, nagsimula siyang sumigaw, “Jesus, anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Maraming sumaway sa kanya upang siya'y tumahimik. Ngunit lalo siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Huminto si Jesus at sinabi, “Tawagin ninyo siya.” Tinawag nga nila ang bulag at sinabi sa kanya, “Matuwa ka! Tumayo ka at tinatawag ka niya.” Pagkahagis sa kanyang balabal, agad tumayo ang bulag at lumapit kay Jesus. “Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang lalaki, “Rabboni, nais ko pong makakita muli.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka, pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y nakakita siyang muli; pagkatapos ay sumunod siya kay Jesus sa daan.
Reflection by Ryan Santos: Senior Manager for Business Intelligence for a CX company. Service Head for Evangelization - Young Couples. Covenanted Member - Bale Ning Ginu
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel #PeaceofChrist #KapayapaankayKristo #Peace