Listen

Description

MARTES, MAYO 14, 2024
Martes sa Ika-7 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

[MABUTING BALITA]: JUAN 15: 9 - 17

Kung paanong minahal ako ng Ama, minamahal ko rin kayo; manatili kayo sa aking pagmamahal. Kung tutuparin ninyo ang mga utos ko, mananatili kayo sa pag-ibig ko, kung paanong tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig. Sinabi ko ang mga ito sa inyo upang mapasainyo ang aking kagalakan, at ang kagalakan ninyo ay maging lubos. Ito ang aking utos: kayo’y magmahalan gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Walang hihigit pa sa pag-ibig ng taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung sumusunod kayo sa ipinag-uutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip itinuturing ko kayong mga kaibigan, sapagkat lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko na sa inyo. Hindi kayo ang pumili sa akin sa halip ako ang pumili sa inyo. Isinugo ko kayo upang humayo at mamunga ng mga bungang nananatili sa inyo. Sa gayon, anumang hilingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang ipinag-uutos ko sa inyo: mahalin ninyo ang isa't isa.

Reflection by JV Salayo: Teacher/Education consultant. Assistant site leader-Pathways Sta. Rosa. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community.

#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel