Listen

Description

BIYERNES, DISYEMBRE 15, 2023
Biyernes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
Pag-alaala kay San Valerian, Obispo sa Africa at isang martir

[MABUTING BALITA]: Mateo 11, 16-19

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!’ Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak, at sinasabi nila, ‘Inaalihan siya ng demonyo!’ Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi naman nila, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at naglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.”

Reflection by Alvin Fabella: COO, EScience Corp, South Sector Evangelization Head, Ligaya ng Panginoon Community. Speaker. Retreat Master.Radio anchor, Kakaiba Ka! Contributor- Kerygma Magazine/Didache

#POHopegiver #LandasngPagasa #Hesus