LINGGO, DISYEMBRE 8, 2024
Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
MABUTING BALITA: LUCAS 3:1-6
Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio, habang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes ang pinuno ng Galilea, si Felipe na kanyang kapatid ang pinuno ng Iturea at Traconite, at si Lysanias naman ang pinuno ng Abilinia; at sina Anas at Caifas naman ang mga Kataas-taasang Pari, dumating ang salita ng Diyos sa anak ni Zacarias na si Juan na nasa ilang. Tinungo niya ang buong lupain sa palibot ng Jordan upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan. Gaya ng nasusulat sa aklat ni propetang si Isaias,
“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
Tatambakan ang bawat lambak,
at papatagin ang bawat bundok at burol.
Itutuwid ang likong daan,
at papatagin ang daang lubak-lubak.
At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”
Reflection by Jay Guiyab: BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head for Singles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator.