LINGGO, PEBRERO 16, 2025Ika-anim na Linggo sa Karaniwang PanahonPaggunita kay Santa Juliana, dalaga at martir MABUTING BALITA: LUCAS 6:17, 20-26Noong panahong iyon, bumaba si Hesus, kasama ang Labindalawa, at tumayo siya sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Tumingin si Hesus sa mga alagad at kanyang sinabi,“Pinagpala kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”“Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusugin!”“Pinagpala kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”“Pinagpala kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”“Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!”“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”Reflection by Paul Gerard Saret : Product Manager, Cargill Philippines. District Evangelization and Music Ministry of NS1C. Underway Member of Ang Ligaya ng Panginoon.#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel