MIYERKULES, HULYO 31, 2024
Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
MABUTING BALITA: MATEO 13: 44 - 46
“Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May kayamanang nakabaon sa isang bukid. Natuklasan ito ng isang tao at muli niya itong tinabunan. Sa kanyang tuwa ay humayo siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.
“Muli, ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. Nang matagpuan niya ang isang mamahaling perlas ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas.
Reflection by Raoul Roncal: Licensed Engineer (ECE). Lay missionary-Servants of the Word Brotherhood. Theology Instructor, Ateneo de Manila University
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel