HUWEBES, NOBYEMBRE 21, 2024
Huwebes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birheng Maria sa Templo
MABUTING BALITA: LUCAS 19: 41 - 44
Noong panahong iyon, nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at matanaw niya ang lungsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin. Sapagkat darating ang mga araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato’y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.”
Reflection by Paula Kristina Gawat : Public Servant-Engineer; Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel