Listen

Description

MARTES, OKTUBRE 31, 2023
Martes sa Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Alfonso Rodriguez, Heswita

[MABUTING BALITA]: LUCAS 13: 18 - 21

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito? Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito’y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupat umalsa ang buong masa.”

Video by Joey Binay : Sales-Industrial Essential Oil/Fragrances. Head-Communications Ministry. Member: North & Central Sector of MM-Familia

#POHopegiver#LandasngPagasa