SABADO, OKTUBRE 5, 2024
Sabado ng Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Francisco de Asis
MABUTING BALITA: LUCAS 10: 17 - 24
Bumalik ang pitumpu't dalawa at nagagalak na nagsabi kay Jesus, “Panginoon, maging ang mga demonyo ay nagpapasakop sa amin dahil sa inyong pangalan!” At sinabi niya sa kanila, “Nakita ko si Satanas na bumulusok mula sa langit tulad ng kidlat. Tingnan ninyo, binibigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at mangibabaw sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapananakit sa inyo. Gayunman, huwag ninyong ikagalak na nagpapasakop sa inyo ang mga espiritu. Sa halip, ikagalak ninyo na ang inyong pangalan ay nakasulat sa langit.”
Nang oras ding iyon, napuspos si Jesus ng kagalakan mula sa Banal na Espiritu. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga ito sa mga marurunong at matatalino at ipinahayag mo sa mga sanggol. Oo, Ama, sapagkat gayon ang nakalulugod sa iyo. Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak at kaninumang pinagpahayagan ng Anak.” Humarap siya sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan, “Pinagpala ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sapagkat sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga haring naghangad makakita ng mga nakita ninyo ngunit hindi nakakita nito at makarinig ng inyong narinig ngunit hindi nila narinig.”
Video by Raoul Roncal : Licensed Engineer (ECE). Lay missionary-Servants of the Word Brotherhood. Theology Instructor, Ateneo de Manila University
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel