Listen

Description

MARTES, DISYEMBRE 3, 2024
Martes ng Ika-35 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Francisco Javier, pari

MABUTING BALITA: LUCAS 10: 21 - 24


Nang oras ding iyon, napuspos si Jesus ng kagalakan mula sa Banal na Espiritu. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga ito sa mga marurunong at matatalino at ipinahayag mo sa mga sanggol. Oo, Ama, sapagkat gayon ang nakalulugod sa iyo. Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak at kaninumang pinagpahayagan ng Anak.” Humarap siya sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan, “Pinagpala ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sapagkat sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga haring naghangad makakita ng mga nakita ninyo ngunit hindi nakakita nito at makarinig ng inyong narinig ngunit hindi nila narinig.”

Reflection by Roy Azarcon: Research and Tutorial Services. Pathways Wide Intercession Ministry Head. Tahanan ng
Panginoon Area Worker. Covenanted Member-Ligaya ng Panginoon