BIYERNES, OKTUBRE 25 , 2024
Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Crispin at San Crispinian, mga martir
Paggunita kay San Chrysanthus at Dara, mga martir
MABUTING BALITA: LUCAS 12: 54 - 59
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?
Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Reflection by Glen Glorioso : Licensed Financial Adviser. Youth worker, Ligaya ng Panginoon Community. Preacher.