Listen

Description

BIYERNES, AGOSTO 25, 2023
Biyernes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Luis ng France
Paggunita kay San Jose Calasanz, pari

[MABUTING BALITA]: MATEO 22: 34 - 40

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

Reflection by Glen Glorioso : Licensed Financial Adviser. Youth worker, Ligaya ng Panginoon Community. Preacher.

#POHopegiver #LandasngPagasa #Hesus