LUNES, HULYO 21, 2025
Lunes ng Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at Pantas ng Simbahan
LANDAS NG PAG-ASA : “PANANAMPALATAYANG HIGIT SA NAKIKITA MO”
[MABUTING BALITA]: MATEO 12:38-42
Noong panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Hesus, “Guro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?” Sumagot si Hesus, “Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayun din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasailalim ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto! Sa araw na yaon, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay solomon ang naririto!”
Reflection by Ryan Santos : Associate Director (Group Manager) for Business Intelligence and Insights. Service Head for Evangelization - Young Couples. Pastoral Leader and Covenanted Member - Bale Ning Ginu (Pampanga).
#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel