MIYERKULES, NOBYEMBRE 13, 2024
Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Santa Francesca Javiera Cabrini, dalaga
MABUTING BALITA: LUCAS 17: 11 - 19
Habang patungo sa Jerusalem, nagdaan si Jesus sa pagitan ng Samaria at Galilea. Pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ketongin. Habang sila'y nakatayo sa malayo, sumigaw sila na nagsasabing, “Jesus! Panginoon! Maawa po kayo sa amin!” Nang makita sila ni Jesus ay sinabi niya, “Humayo kayo at magpasuri sa mga pari.” Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling. Nang makita ng isa sa mga ito na gumaling na siya, bumalik siyang sumisigaw ng papuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus. Ang lalaking ito ay Samaritano. Kaya't nagtanong si Jesus, “Hindi ba't sampu ang pinagaling? Nasaan ang siyam? Wala bang natagpuang bumalik upang magbigay ng papuri sa Diyos, maliban sa dayuhang ito?” At sinabi niya rito, “Tumindig ka at humayo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Reflection by Bob Lopez: Communications specialist. Former Mission Director-Word of Joy Foundation/Institute for Pastoral Development. Trainer and formator serving dioceses, congregations and organizations. Faculty member. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon.