MIYERKULES, NOBYEMBRE 15, 2023
Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Alberto, Obispo at Pantas ng Simbahan
Paggunita kay San JosePignatelli, Heswita
[MABUTING BALITA]: LUCAS 17: 11 - 19
Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano. “Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”
Video by Joey Binay : Sales-Industrial Essential Oil/Fragrances. Head-Communications Ministry. Member: North & Central Sector of MM-Familia
#POHopegiver#LandasngPagasa