Listen

Description

SABADO, NOBYEMBRE 16, 2024
Sabado ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Santa Margarita ng Esconia
Paggunita kay Santa Gertrudes, dalaga

MABUTING BALITA: LUCAS 18: 1 - 8

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.

“Sa isang lungsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: ‘Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya,’” At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”

Reflection by Gabs Fidel: Development & DISC Personality Coach, Trainer, and Speaker/Head of Worship Team-Familia Community Youth Mission

#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel