Listen

Description

SABADO, HULYO 19, 2025

Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Paggunita kay San Symmachus, Papa

LANDAS NG PAG-ASA : “PINILI NG DIYOS, KALUGURAN NG DIYOS”

[MABUTING BALITA]: MATEO 12:14-21

Noong panahong iyon, umalis ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano ipapapatay si Hesus.

Alam ito ni Hesus kaya’t umalis siya roon. Maraming sumunod sa kanya at pinagaling niya ang lahat ng maysakit, ngunit mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag ipamamalita ang tungkol sa kanya. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias:

“Naririto ang lingkod ko na ako rin ang humirang,

minamahal ko nang labis, lubos kong kinalulugdan;

ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay,

sa lahat ng mga bansa ibabadha’y katarungan.

Hindi siya makikipagtalo, mahinahon kung mangusap,

ang tinig niya sa lansanga’y tinig lamang na paanas;

hindi niya puputulin yaong tambong nakahapay,

ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan,

hanggang itong katarunga’y mapagtagumpay niyang ganap;

at ang pag-asa ng tao sa kanya ay ilalagak.”

Reflection by Paul Gerard Saret : Product Manager, Cargill Philippines. District Evangelization and Music Ministry of NS1C. Underway Member of Ang Ligaya ng Panginoon.

#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer#hope