Listen

Description

HUWEBES, OKTUBRE 12, 2023
Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Kapistahan ng Birheng Maria bilang Ina ng Simbahan
Kapistahan ng Ginang ng Aparecida
Paggunita kay Sto Edistus, Martir sa via Ardeatina
Paggunita kay Sta Serafina ng Montegranaro, Lay Capuchin

[MABUTING BALITA]: LUCAS 11: 5 - 13

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ipalagay natin na ang isa sa inyo’y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, ‘Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Video by Ruel Aguirre : Pastoral Trainor for CFC leaders and missionaries for local and foreign deployment. Lay missionary assigned for long-term mission in Southern Africa and Kalinga province.

#POHopegiver#LandasngPagasa