SABADO, PEBRERO 22, 2025Sabado ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San PedroMABUTING BALITA: MATEO 16:13 - 19Nang dumating si Jesus sa pook ng Cesarea Filipos, nagtanong siya sa kanyang mga alagad ng ganito, “Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?” At sumagot sila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias, at ang iba naman ay si Jeremias, o isa sa mga propeta.” Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Simon Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang nagpahayag nito sa iyo ay hindi laman at dugo kundi ang aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay ang natalian na sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay ang nakalagan na sa langit.”
Reflection by Lawrence Quintero: MissionaryDevelopment and Deployment Program Head of Couples for Christ#POHopegiver#LandasngPagasa#catholic#scriptures#bibleeadings#Jesus#CatholicChurch#christian#church#faith#god#jesuschrist#love#pray#bible#christianity#prayer#hope#gospel