MARTES, MARSO 4, 2025Martes ng ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kay San Casimiro MABUTING BALITA: MARCOS 10: 28 - 31Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”Reflection by Ruel Aguirre : Pastoral Trainor for CFC leaders and missionaries for local and foreign deployment. Lay missionary assigned for long-term mission in Southern Africa and Kalinga province.#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel