HUWEBES, HULYO 31, 2024
Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Alfonso Maria ng Ligouri,
Obispo at Pantas ng Simbahan
MABUTING BALITA: MATEO 13: 47 - 53
“At muli, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuhuli ng lahat ng uri ng isda. Kapag puno na ito, hinihila ito ng mga tao sa dalampasigan. Nauupo sila upang piliin ang mabubuting isda at ilagay sa mga sisidlan, ngunit itinatapon ang mga hindi mapakikinabangan. Ganoon ang mangyayari sa katapusan ng panahon. Magdadatingan ang mga anghel at ibubukod nila ang masasama sa matutuwid at itatapon sila sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.
“Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga ito?” Sumagot ang mga alagad, “Opo.” At sinabi niya sa kanila, “Kaya't ang bawat tagapagturo ng Kautusan na sinanay para sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang imbakan ng kayamanan.”
Pagkatapos isalaysay ni Jesus ang mga talinghagang ito, nilisan niya ang lugar na iyon.
Reflection by Alvin Fabella: COO, EScience Corp, District Head Coordinator, South Sector. Speaker. Retreat Master. Radio Anchor, Kakaiba Ka! Contributor- Kerygma Magazine/Didache. https://who-are-you-following.blogspot.com/.../if-youre...
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel