Listen

Description

MIYERKULES, NOBYEMBRE 27, 2024
Miyerkules ng Ika-34 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA: LUCAS 21: 12 - 19


Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, dadakpin muna nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan, at dahil sa aking pangalan ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Magbibigay sa inyo ito ng pagkakataon upang magpatotoo. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili. Sapagkat ako ang magkakaloob sa inyo ng sasabihin at karunungan na hindi matututulan o mapabubulaanan ng lahat ng mga sumasalungat sa inyo. Ipagkakanulo kayo maging ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit kahit isang hibla ng buhok ninyo sa ulo ay hinding-hindi malalagas. Makakamit ninyo ang inyong buhay dahil sa inyong pagtitiis.”

Reflection by Ryan Santos: Senior Manager for Business Intelligence for a CX company. Service Head for
Evangelization - Young Couples. Covenanted Member - Bale Ning Ginu