LINGGO, AGOSTO 25, 2024
Linggo ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
MABUTING BALITA: JUAN 6: 60 - 69
Nang marinig nila ito, marami sa kanyang mga alagad ang nagsabing, “Mahirap na turo ito, sino ang may kayang tumanggap nito?” Alam ni Jesus na nagbubulungan sila tungkol dito kaya sinabi niya, “Ikinagalit ba ninyo ang sinabi ko? Paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat sa dati niyang kinaroroonan? Ang espiritu ang nagbibigay ng buhay, ang laman ay walang pakinabang; ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay. Subalit may ilan sa inyo na hindi naniniwala.” Sapagkat alam na ni Jesus sa simula pa lamang ang mga hindi naniniwala, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. At sinabi niya, “Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ito ng Ama.” Pagkatapos nito marami sa mga alagad niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya. Sinabi ni Jesus sa labindalawa, “Nais din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salita ng buhay na walang hanggan, at sumasampalataya kami, at nakatitiyak kami na kayo nga ang Banal ng Diyos.”
Reflection by Mayette Salvedia: Missionary-Co-founder of Sambahayan ng Diyos Community. Intercessor. Spiritual Formator. Covenanted Member-Ang Ligaya ng Panginoon
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel