LUNES, OKTUBRE 28, 2024
Lunes ng ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
MABUTING BALITA: LUCAS 6: 12 - 16
Nang mga araw na iyon, umakyat sa bundok si Jesus upang manalangin. Magdamag siyang nanalangin sa Diyos. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. Ang mga ito ay sina Simon na tinawag niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; sina Santiago at Juan; sina Felipe, Bartolome, Mateo, at Tomas; si Santiago na anak ni Alfeo; si Simon na tinawag na Makabayan; si Judas na anak ni Santiago; at si Judas Iscariote, na naging taksil.
Reflection by Sarah Panahon: Marriage and Family Counselor. Senior woman leader. Covenanted member of Ang Ligaya ng Panginoon