Listen

Description


BIYERNES, PEBRERO 9, 2024
Biyernes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Santa Apolonia, dalaga at martir mula sa Alexandria, Ehipto

[MABUTING BALITA]: MARCOS 7: 31 - 37

Noong panahong iyon, pagbalik ni Hesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Hesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Hesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, “Effata,” ibig sabihi’y “Mabuksan!” At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw. Sinabi ni Hesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Sila’y lubhang nanggilalas, at ang wika, “Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi!”

Reflection by Glen Glorioso : Licensed Financial Adviser. Youth worker, Ligaya ng Panginoon Community. Preacher.

#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #Hesus #catholicchurch #christian #church #faith #Diyos #Hesukristo #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel