Listen

Description

LINGGO, HULYO 9, 2023
Ika-14 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kina Sts. Augustine Zhao Rong, Pari at mga Kasamahan, Mga Martir na Intsik
Paggunita kay Sto Adrian III, Papa
Paggunita kay Santa Veronica Giuliani, Abbess, Capuchin Poor Clare

[MABUTING BALITA]: MATEO 11 : 25 - 30

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.
“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Video by Michael Shok Ariola: Servant leader/Full time missionary-Couples for Christ (CFC). Head of Ministry Development and Deployment Program.

#POHopegiver #LandasngPagasa