MARTES, SETYEMBRE 26, 2023
Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kina San Cosme at San Damian, mga martir
[MABUTING BALITA]: LUCAS 8: 19 - 21
Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”
Video by JV Salayo : Teacher/Education consultant. Assistant site leader-Pathways Sta. Rosa. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community.
#POHopegiver#LandasngPagasa