SABADO, OKTUBRE 19, 2024
Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, Mga Martir
MABUTING BALITA: LUCAS 12: 8 - 12
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.
“Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”
Reflection by Eric Rivas: Director of Services for a multinational company. Pastoral Leader and District Coordinator - Ang Ligaya ng Panginoon.