Bilang pagpapahalaga sa kaligtasan ng kanyang pasahero, binago ni G. Alex Dayrit ang upuan ng kanyang dyipni (sa sariling gastos) para magkaroon ng physical distancing at mapigilan ang pagkalat ng covid sa kanyang mga pasahero. Kinilala at pinarangalan ni Sec. Arthur Tugade at ng buong Dept of Transpostation ang ginawang diskarte ni Alex.
Dahil walang anumang traffic violation sa loob ng 17 taon, ipinag-utos ni LTO Chief Edgar Galvante na bigyan ng bagong driver's license si Alex na may bisang 10 taon.
Sa episode na eto, kilalanin natin si G. Alex Dayrit, isang karaniwang drayber ng dyipni na may hindi-pangkaraniwang malasakit.