Dahil sa mga batikos na anti-China, hindi ang Sinovac ang pinakagustong bakuna ng mga Filipino. Marami ang nagnanais ng bakuna mula sa kanluran.
Pero wala namang saysay yan. Napatunayan na, na ang Sinovac katulad ng iba pang bakuna, ay may sapat na proteksyon laban sa malubhang sakit ng Covid-19. Tinutukoy natin ay yung kailangan mong madala sa hospital. At ayon nga sa mga datos mula sa mga naunang nabakunahan, 100% ang naibibigay nitong proteksyon.
Huwag na po kayong mag-alinlangan sa bakuna. Alin man sa mga bakunang available ngayon sa bansa: Sinovac Biotech, Pfizer vaccine, AstraZeneca, at Gamaleya; lahat po yan pang-kontra sa Covid 19.
Kung kayo ay kabilang sa mga priority list, pumunta na po kayo sa appointment. Kung hindi man para sa sariling proteksyon, yan na po ang mai-aambag ninyo para pigilan ang covid sa pamamagitan ng herd immunity.