Kilalanin natin ang BeSeekLetA for EveryJuan na binuo ng mag-asawang Roy at Roann Maceda at Dennis Ravago na itayo ang BeSeekLetA for EveryJuan.
Nangongolekta ang grupo ng mga lumang piyesa ng bisikleta na maaari pang gamitin sa pagbuo ng matinong bisikleta. Wala silang pinipili basta maaayos at magagamit pa, tulad ng batalya, manibela, gulong, rim, kable, pedal atbp. Kung hindi madadala sa kanila ang mga piyesa, meron na rin silang mga siklista na kukuha sa bahay o opisina ng magbibigay, dito sa Metro Manila. Puede rin ang mga volunteer mechanic na tutulong sa pag-aayos at pagbuo ng bisikleta.
Binubuo nila ang mga piyesa para maging bisikleta na siya namang ibinibigay sa mga nangangailangan. Huling nilang ipinamahagi ang ika-92 bisikleta kay Norman, 32 taon-gulang na mekaniko sa Quezon City.