"Kung hindi ka naniniwala sa nilalaman ng batas, bahala ka. Humanda kang isugal at ilagay sa alanganin ang buhay inyong anak. Huwag ka lang manisi ng iba pagdating ng araw. At alam mo rin na may consequence ang hindi pagsunod. Madali lang ang multa; puedeng kitain ulit ang pera. Eh, ang buhay ng iyong anak?"
"Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, sa bilang ng road deaths noong 2006-14, 17% (o 12,000 katao) ay mga kabataan mula edad isa (1) hanggang 19 taon. Ibig sabihin, may 1,334 na batang namamatay dahil sa transport-related crashes kada taon. Katumbas yan ng 4-5 kabataan bawat araw ang namamatay. Gusto mo bang mapabilang ang anak mo?"
Catch the rest of the commentary in this podcast.