Bilang mga Filipino, napakahilig nating maniwala at matindi ang pananalig sa mga bagay na walang basehan. Minsan mapapaisip ka na lang talaga kung kaya ka ba nagkasakit ay dahil nagsimulang gumamit ng alkansiya yung nanay mo? Sabi kasi ng mga matatanda 'di ba para ka raw nag-iipon para sa hindi inaasahang pagkakagastusan.
Ito talagang mga thunders, ang dami-daming sinasabi. Kaya sa agenda na ito, tatambayan natin ang mga pamahiin na kinalakhan nating mga Filipino. Paniguradong meron at meron kang religiously ginagawa o pinaniniwalaan kahit isang pamahiin lang. Maliban pa sa naniniwala kang mahal ka niya ha?
Ang mga paniniwala na hindi makasasama, makasasakit, at nananatiling patas sa lahat ng tao ay marapat lang na respetuhin.
Respect, bagets. Respect. Oo, iba na.