Listen

Description

"Kababae mong tao..."

Marami puwedeng kasunod ang tatlong salita na 'to. At lahat ng puwedeng isunod dito ay masyadong mapandikta sa kung ano, sino, at paano "dapat" maging babae. E teka, may formula ba? 

In this day and age, hindi natin maitatanggi na marami pa ring low-key misogynist na hirit ang lipunan tungkol sa mga babae. Joke man o coming from a place a love, meron talaga. Baka yung iba hindi nila alam na degrading pala yung mga sinasabi at ginagawa nila para sa mga babae. Di rin natin sure.

Para sa unang agenda sa ating 3rd Season ~uwu~ susubukin nating ipaalam sa madla ang mga bagay na maaaring iniisip nila ay maliit na bagay lang pero sa totoo ay may malaking epekto sa mga babae. Kasi koya, minsan, hindi na pagiging gentleman yung ginagawa/sinasabi mo. Paki-check din kasi baka misogynist ka na pala.

We know, we know, wala pa sa kalingkingan ang mga mapag-uusapan namin. Nasa surface level pa lang tayo. Kaya join the discussion, mga miron!

Na-miss namin mag-record jusko! Ayan tuloy pati youtube pinatos na namin.