Listen

Description

May mga bagay ka bang pinagsisisihan dahil hindi mo nagawa? O dahil ginawa mo? Panigurado namang may mga risk worth taking at nakabuti sa pagkatao mo, 'no?

Sa agenda na ito, pinili ng mga miron na simulang magpakilala nang paunti-unti. Let's talk about risks! Maraming klase 'yan, e. Puwedeng studies, career, personal growth, o di kayâ ay pag-ibig. Kahit nga paghuhulog sa PhilHealth ay risky dahil ninanakaw--- ooops. Pili ka na lang kung anong chant ang gusto mo: "Oyy si papa lumaban, matapang!" o "O di ba, binawi mo rin?" o "Ayy si papa, nilaban, nasayang?" (Sexbomb Girls, National Artists for Dance)

Happy New Year, mga miron! Sana sa susunod na taon ay magawa ninyo ang mga gusto ninyo nang walang tákot na magkamali. At sana rin mawala na ang COVID19 para hindi na talaga tayo matakot.