"It all started po last month, dahil umapela po ako sa admins ng isang family, na yung ugali po ng isang co founder ay sobra na mahilig po sya mamahiya ng mga members. admin din po ako don nasa recruitment kaya ang sabi ko po sa founder kahit po everyday makapag pasok ng tao kung magkakaron naman ng dahilan para lumabas balewala din hindi kami dadami. pati mas masaya kung puro kasiyahan lang sana dito sa kumu kasi very frustrating na ang buhay lalo ngayon pandemic. kaya ang naisipan ng founder magkaron ng open forum. pero instead na maayos lalo lumala dahil ayaw tanggapin nung admin yung mali nya bagkus binalik nya sa aming mag asawa yung paratang na kami daw ang dahilan bakit nag aalisan ang mga tao, where infact ako nga ang nag ppm sa mga tao umaamo at sumusuyo para wag umalis dahil may pinagsamahan na. ang sakin po kasi walang problema na hindi madadaan sa maayos na usapan."