Listen

Description

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin.” (Mateo 5:11, MBBTAG)

“Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.” (Lucas 10:20, MBBTAG)

Inihayag ni Jesus ang isang lihim na nagpoprotekta sa ating kaligayahan mula sa panganib ng pagdurusa at pagbabanta ng  tagumpay. Ito ang sekreto: Dakila ang iyong gantimpala sa langit. At ang kabuuan ng gantimpalang iyon ay ang pag-enjoy sa kabuuan ng kaluwalhatian ni Jesu-Cristo (Juan 17:24).

Pinoprotektahan ni Jesus ang ating kaligayahan mula sa pagdurusa kapag sinasabi Niya,

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.” (Mateo 5:11–12)

Nililigtas ng ating dakilang gantimpala sa langit ang ating kagalakan mula sa panganib ng pang-uusig at panlalait.

Pinoprotektahan din Niya ang ating kagalakan mula sa tagumpay kapag sinasabi Niya,

“Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.” (Lucas 10:20)

Tinukso ang mga alagad na ilagay ang kanilang kagalakan sa tagumpay ng ministeryo. “Kahit po ang mga demonyo ay napapasunod namin dahil sa kapangyarihan ng inyong pangalan.” (Lucas 10:17). Ngunit puputulin nito ang kanilang kagalakan mula sa tanging tiyak na anchor nito.

Kaya pinoprotektahan ni Jesus ang kanilang kagalakan mula sa banta ng tagumpay sa pamamagitan ng pangangako ng mas dakilang gantimpala sa langit. Magsaya rito: na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit. Ang inyong mana ay walang hanggan, walang hanggan, tiyak.

Ligtas ang ating kagalakan. Hindi kayang sirain ng pagdurusa o  tagumpay ang anchor nito. Malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ang pangalan ninyo ay nakasulat doon. Ito ay tiyak.

Iniangkla ni Jesus ang kaligayahan ng mga nagdurusang santo sa gantimpala ng langit. At iniangkla Niya ang kaligayahan ng matatagumpay na santo sa ganito ring paraan.

Sa gayon, pinalaya Niya tayo mula sa naghaharing kalupitan ng makamundong sakit at kasiyahan — makamundong pagdurusa at makamundong tagumpay.

Devotional excerpted from “The Secret of Invincible Joy”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-anchor-of-joy

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.