Listen

Description

Yamang si Cristo’y nagtiis ng hirap noong siya’y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan. (1 Pedro 4:1)

Una sa lahat, ito’y kataka-taka. Kinailangan ba ni Cristo na tumigil sa pagkakasala? Hindi! “Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan” (1 Pedro 2:22).

Tapos, ito’y nag-click. Kapag hinanda natin ang ating sarili sa kaisipang nagtiis ng hirap si Cristo para sa atin, maiisip natin na tayo’y namatay kasama Niya. “Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos” (1 Peter 2:24). Nang tayo’y namatay kasama Niya, tayo’y tumigil sa pagkakasala.

Tulad ito nang nasa Roma 6. “Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.  Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. . . . Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buháy para sa Diyos, sapagkat kayo’y nakipag-isa na kay Cristo Jesus” (Roma 6:6–7, 11).

Sabi ni Peter, “Kayo man ay dapat maging handang magtiis!”

Sabi ni Paul, “Ituring ang inyong sarili bilang patay!”

Ang sandata para sa ating digmaan laban sa kasalanan ay ang paghahanda sa kaisipang ito — ang konsiderasyong ito.

Kapag dumarating ang mga tukso ni Satanas — na magkaroon ng pagnanasa sa isang bagay, na magnakaw, magsinungaling, mainggit, gumanti, manghamak, matakot — ihanda ang sarili gamit ang kaisipang ito: Nang nagtiis ng hirap at namatay ang aking Panginoon upang palayain ako mula sa kasalanan, namatay na ako rito!

Kapag sinasabi sa ’yo ni Satanas, Bakit mo tinatanggihan ang pagnanasa ng laman? Bakit mo haharapin ang gulong ito, kung puwede ka naman magsinungaling? Bakit hindi mo kunin ang harmless na karangyaang iyong iniimbot? Bakit hindi ka maghanap ng hustisya at iganti ang sakit na iyong natanggap?

Sagutin siya: Nagtiis ng hirap ang Anak ng Diyos (talagang nagtiis!) upang iligtas ako mula sa kasalanan. Hindi ako naniniwalang naghirap siya para gawin akong miserable. Kaya ang binayaran Niya ng kamatayan ay higit na maganda kaysa mga pagnanasa ng laman. Dahil nagtitiwala ako sa Kanya, ang aking kahinaan sa iyong pang-aakit ay lumiit na’t namatay.

Lumayas ka, Satanas! Hindi na ako maglalaway kapag napadaan ako sa iyong candy store.