Tayo’y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. (Efeso 2:5)
Ang dakilang pag-asa ng pagmimisyon ay ito: Kapag ipinangaral ang ebanghelyo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ginagawa mismo ng Diyos ang hindi magagawa ng tao: lumilikha Siya ng pananampalatayang nagliligtas. Ginagawa ng panawagan ng Diyos ang hindi kayang tawagin ng tao. Binubuhay nito ang mga patay. Lumilikha ito ng espirituwal na buhay. Katulad ito ng panawagan ni Jesus kay Lazarus sa libingan, “Lumabas ka!” Sumunod ang patay na lalaki at lumabas. Nilikha ng pagtawag ang pagsunod sa pamamagitan ng paglikha ng buhay (Juan 11:43). Sa ganito naliligtas ang kahit sino.
Maaari nating gisingin ang isang tao mula sa pagtulog sa ating pagtawag, ngunit ang panawagan ng Diyos ay lumilikha ng mga bagay na hindi pa nalilikha (Roma 4:17). Ang tawag ng Diyos ay hindi mapipigil dahil matatalo nito ang lahat ng pagtutol. Ito ay laging effective ayon sa layunin ng Diyos — kaya’t masasabi ni Paul na, “Ang mga tinawag [ng Diyos] ay kanya ring pinawalang-sala” (Roma 8:30), kahit na naju-justify lang tayo ng ating pananampalataya.
Sa madaling salita, mabisang-mabisa ang panawagan ng Diyos, kaya talagang lumilikha ito ng pananampalataya kung saan ang isang tao ay naju-justify. Lahat ng tinawag ay binibigyang-katwiran ayon sa Roma 8:30. Ngunit walang sinumang binibigyang-katwiran nang walang pananampalataya (Roma 5:1). Kaya ang panawagan ng Diyos ay hindi mabibigo sa layunin nito. Hindi maiiwasang likhain nito ang pananampalatayang nagbibigay-katwiran.
Hindi ito magagawa ng tao. Imposible ito. Tanging Diyos lang ang makaaalis sa pusong bato (Ezekiel 36:26). Tanging Diyos lang ang makakatawag ng mga tao sa Anak (Juan 6:44, 65). Tanging Diyos lang ang makapagbubukas ng spiritually dead na puso upang makinig ito sa ebanghelyo (Mga Gawa 16:14). Tanging ang Good Shepherd lang ang nakaaalam ng Kanyang mga tupa, at tinatawag sila sa pangalan nang may kapangyarihan, na lahat sila ay sumusunod — at kailanman ay hindi masawi ( Juan 10:3–4, 14).
Ang pinakadakilang biyaya ng Diyos—gawin ang imposible para ng tao sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo—ay ang dakilang pag-asa ng mga pagmimisyon.