Listen

Description

Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos. (Roma 5:9–11)

Saan tayo kailangang iligtas? Malinaw na sinabi ng talata 9: “Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos.” Pero ito ba ang pinakamataas, pinakamabuti, pinakaganap, at pinaka-satisfying na gantimpala ng ebanghelyo?

Hindi. Sabi sa talata 10, “lalong tiyak . . . tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.” At dinala ito ng talata 11 sa pinakahuling hantungan at layunin ng ebanghelyo: “At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos.”

Ito ang panghuli at pinakamataas na kabutihan ng magandang balita. Wala nang isa pang “at hindi lamang iyan” pagkatapos nito. Ang natitira na lang ay ang pagsasabi ni Pablo kung paano tayo nakarating rito, “sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.”

Ang dulo ng ebanghelyo ay “tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos.” Ang pinakamataas, pinakaganap, pinakamatamis na kabutihan ng ebanghelyo ay ang Diyos mismo, na nae-enjoy ng Kanyang mga tinubos.

Ang Diyos kay Cristo ay naging bayad (Roma 5:6–8), at ang Diyos kay Cristo ay naging gantimpala (Roma 5:11).

Ang ebanghelyo ay ang mabuting balita na tinubos tayo ng Diyos para sa Kanyang walang-hanggang kasiyahan.