Listen

Description

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesyaupang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita.Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito . .  . . (Efeso 5:25–27)

Ang dahilan kaya napakaraming pagdurusa sa pagsasama ng mag-asawa ay hindi dahil hinahangad nila ang pansariling kasiyahan, kundi dahil hindi nila ito hinahanap sa kasiyahan ng kanilang asawa. Ang utos ng Biblia sa mga mag-asawa ay hanapin ang inyong kagalakan sa kagalakan ng inyong asawa.

Halos wala nang mas hedonistic na talata sa Biblia kaysa ang tungkol sa pag-aasawa sa Mga Taga Efeso 5:25–30. Sinasabihan ang mga lalaki na mahalin ang kanilang asawa sa paraan ng pagmamahal ni Cristo sa church.

Paano Niya minahal ang church? Sinasabi sa talata 25 na “inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya.” Pero bakit? Sabi sa talata 26, “upang ialay ito sa Diyos” at linisin siya. Pero bakit Niya gustong gawin iyon? Sumagot ang talata 27, “upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito!”

Ah! Ito ’yun! “Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus” (Mga Hebreo 12:2). Anong kagalakan? Ang kagalakan ng pagpapakasal sa Kanyang bride, ang church. Ang kagalakan ng paghaharap ng church sa Kanyang sarili, sa kagandahan na binayaran ng dugo.

Hindi balak ni Jesus na magkaroon ng marumi at di-banal na asawa. Kung gayon, handa Siyang mamatay para i-sanctify at linisin ang Kanyang betrothed upang maiharap Niya sa Kanyang sarili ang isang asawa “sa kagandahan nito.” Natamo Niya ang hangarin ng Kanyang puso sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang sarili sa pagdurusa para sa kabutihan ng kanyang bride.

Ina-apply ito ni Pablo sa mga lalaki sa mga talata 28–30: “Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito’y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya.Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan.”

Sinabi ni Jesus sa mga mag-asawa  — at sa lahat — “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:39). Ang kasal ay isang pambihirang lugar ng aplikasyon. Hindi lamang ito “katulad” ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Pero minamahal mo ang iyong sarili. Kapag mahal mo ang taong pinag-isa sa iyo ng Diyos, minamahal mo rin ang iyong sarili. Ibig sabihin, ang pinakamalaking kagalakan mo ay matatagpuan sa paghahangad ng pinakamalaking kagalakan ng iyong asawa.