Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,
sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong pinagpala;
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Banal ang kanyang pangalan!
Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.
Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.
Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod,
at hindi niya kinalimutang kahabagSi Maria’y may nakikitang isang pambihirang bagay tungkol sa Diyos: Babaguhin Niya ang takbo ng buong kasaysayan ng tao; magsisimula na ang tatlong pinakamahalagang dekada sa lahat ng panahon.
At nasaan ang Diyos? Kumikilos Siya sa dalawang di-kilala at mapagkumbabang babae — isang matanda na’t baog (Elizabeth), isang bata pa’t birhen (Maria). At lubos ang pagkamangha ni Maria sa vision ng Diyos, ang Mangingibig ng mga aba, na siya’y napaawit — isang awit na nakilala bilang “Magnificat.”
Sina Maria at Elizabeth ay mga kamangha-manghang bida sa kuwento ni Lucas. Gustong-gusto niya ang pananampalataya ng dalawang babaeng ito. Tila ang pinakahinangaan niya, at ang nais niyang tumatak kay Theophilus — ang marangal na tagabasa ng kanyang Ebanghelyo — ay ang pagpapakababa at masiglang pagpapakumbaba nina Elizabeth at Maria sa pagpapasakop nila sa kanilang kamangha-manghang Diyos.
Sabi ni Elizabeth (Lucas 1:43), “Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?” At sabi ni Maria (Lucas 1:48), “Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!”
Ang mga tanging taong kayang tunay na dakilain ang Panginoon ay ang mga katulad nina Elizabeth at Maria — mga taong kinikilala ang kanilang pagkaaba at napupuspos ng ulan na dulot ng kamangha-manghang Diyos.an ito.
Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!
Lucas 1:46–55