Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? (Romans 8:35)
Pansinin ang tatlong bagay sa Romans 8:35.
1. Iniibig tayo ni Cristo ngayon.
Maaaring sabihin ng isang babae tungkol sa kanyang pumanaw na asawa: Walang makapaghihiwalay sa akin sa kanyang pagmamahal. Maaari niyang sabihin na ang alaala ng kanyang pag-ibig ay mananatiling matamis at makapangyarihan buong buhay niya. Ngunit hindi iyan ang ibig sabihin ni Pablo rito.
Malinaw na sinasabi sa Romans 8:34, “Si Cristo Jesus na namatay, oo, siyang muling binuhay mula sa mga patay, na siya ring nasa kanan ng Diyos, na siya ring namamagitan para sa atin” (ABTAG2001). Ang dahilan kung bakit nasasabi ni Pablo na walang anumang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo ay dahil buhay si Cristo at minamahal pa rin Niya tayo ngayon.
Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos at naghahari para sa atin. At Siya ay namamagitan para sa atin. Ibig sabihin, sinisigurado Niyang ang Kanyang natapos na gawain ng redemption ay inililigtas tayo oras-oras, at ligtas tayong ihahatid sa walang-hanggang kagalakan. Hindi lamang isang alaala ang Kanyang pag-ibig. Ito ay bawat sandaling pagkilos ng makapangyarihang Anak ng Diyos, upang ihatid tayo sa walang-hanggang kagalakan.
2. Epektibong pinoprotektahan tayo ng pag-ibig na ito ni Cristo mula sa pagkakahiwalay sa Kanya. Samakatuwid, hindi ito universal na pag-ibig para sa lahat, kundi isang partikular na pag-ibig para sa Kanyang mga anak — ayon sa Romans 8:28, ito ang mga umiibig sa Diyos at tinawag alinsunod sa Kanyang layunin.
Ito ang pag-ibig ng Ephesians 5:25, “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya.” Ito ang pag-ibig ni Cristo sa church, ang Kanyang bride. Si Cristo ay may pagmamahal sa lahat, at Siya’y may espesyal, nakapagliligtas, at preserving na pag-ibig para sa Kanyang bride. Alam ninyong bahagi kayo ng pagiging bride na iyon kung nagtitiwala kayo kay Cristo. Sinuman — walang exception — sinumang nagtitiwala kay Cristo ay puwedeng sabihin, Bahagi ako ng Kanyang bride, ng Kanyang church, ang Kanyang tinawag at pinili, na, ayon sa Romans 8:35, ay iingatan at poprotektahan magpakailanman, anuman ang mangyari.
3. Hindi tayo inililigtas ng epektibo’t makapangyarihang pag-ibig na ito mula sa mga kalamidad sa buhay, kundi ligtas tayong inihahatid tungo sa walang hanggang kagalakan sa Diyos.
Mangyayari sa atin ang kamatayan, ngunit hindi tayo ihihiwalay nito sa Diyos. Kaya kapag sinabi ni Pablo sa talata 35 na ang “kamatayan” ay hindi maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo, ibig niyang sabihin: kahit tayo ay patayin, hindi tayo mahihiwalay sa pag-ibig ni Cristo.
Kaya ang kabuuan ng bagay na ito sa talata 35 ay ito: Si Jesu-Cristo ngayon ay lubos na iniibig ang Kanyang mga anak gamit ang makapangyarihan at bawat sandaling pag-ibig. Hindi nito tayo laging sinasagip mula sa kalamidad, kundi iniingatan tayo para sa walang hanggang kagalakan sa piling ni Cristo, maging sa pamamagitan ng pagdurusa at kamatayan.