Listen

Description

Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong pinatay. (Pahayag 13:8)

Sigurado na ang kaligtasan para sa mga nakasulat sa aklat ng buhay.

Sinisigurado ng pagkakasulat sa aklat ng buhay ang ating kaligtasan dahil ang aklat na ito ay tinatawag na “aklat na pag-aari ng Korderong pinatay.” Hindi naligtas ang mga pangalan sa aklat na ito batay sa kanilang mga ginawa. Naligtas sila batay sa pagkamatay ni Cristo.

Ngunit sinabi ni Juan sa Pahayag 20:12, “Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat.” Kung gayon, paano nagkakaroon ng bahagi sa ating paghuhukom ang tala ng ating mga buhay na nasa “mga aklat,” kung tayo’y naligtas batay sa pagkamatay ni Cristo?

Ang sagot ay ito: Ang mga aklat, kung saan nakasulat ang ating mga ginawa, ay naglalaman ng sapat ng ebidensya na tayo’y pag-aari ni Cristo, kaya nagsisilbi itong public confirmation ng ating pananampalataya at ating pakikiisa kay Cristo.

Consider Revelation 21:27: “Ngunit hindi makakapasok [sa Bagong Herusalem] ang anumang bagay na marumi, ni ang mga gumagawa ng kasuklam-suklam, ni ang mga sinungaling. Ang mga tao lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang makakapasok sa lungsod.” Dito, ang resulta ng pagkakasulat sa “aklat ng buhay” ay hindi lamang hindi pagkamatay, kundi hindi paggawa ng anumang bagay na marumi o kasuklam-suklam.

Halimbawa, i-consider natin ang magnanakaw sa krus. Sinabi ni Jesus na papasok siya ng paraiso (Lucas 23:43). Ngunit anong uri ng paghuhukom ang matatanggap niya kapag binuksan ang mga aklat? Higit 99.9% ng kanyang buhay ay puro kasalanan.

Sinigurado ng dugo ni Cristo ang kanyang kaligtasan. Ang kanyang pangalan ay makikita sa aklat ng buhay ng Korderong pinatay.

Pagkatapos ay bubuksan ng Diyos ang mga aklat. Una, gagamitin Niya ang tala ng mga kasalanan ng magnanakaw upang luwalhatiin ang dakilang sakripisyo ng Kanyang Anak. Ikalawa, babasahin ng Diyos ang huling pahina, kung saan nakatala ang dramatic na pagbabago ng magnanakaw sa krus. Ang nakatalang ginawa ng Diyos sa kanyang buhay noong huling araw na iyon ang magiging public confirmation ng pananampalataya ng magnanakaw at ng kanyang pakikiisa kay Cristo. At si Cristo ang magiging batayan ng kanyang kaligtasan, hindi ang kanyang mga ginawa.

Kaya kapag sinabi kong ang nakasulat sa mga aklat ay public confirmation ng ating pananampalataya at ng ating pakikiisa kay Cristo, I do not mean na ang tala ay mayroong mas maraming mabubuting gawain kaysa masasama.

Ang ibig kong sabihin ay may nakatala roong uri ng buhay kay Cristo na nagpapakita ng katotohanan ng pananampalataya — ang katotohanan ng pagbabagong-buhay at pakikiisa kay Cristo. Ganito natin hinaharap ang bawat araw bilang Cristiano: na may katiyakan na ang ating condemnation ay wala na (Roma 8:1), at ang mabuting gawang pinasimulan sa atin ng Diyos ay Kanyang lulubusin hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.