Nagagalak ako sa aking paghihirap alang-alang sa inyo, sapagkat sa pamamagitan nito’y naipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan. (Colosas 1:24)
Naghanda si Cristo ng love offering para sa mundo sa pamamagitan ng pagdurusa at pagkamatay para sa mga makasalanan. Ito ay isang perpektong sakripisyo. Binayaran nito nang buo ang lahat ng kasalanan ng lahat ng Kanyang mga anak. Walang maidaragdag para maging mas maganda ang regalong ito. Wala itong kulang na anumang bagay—maliban sa isa, ang personal na pagpapakita ni Cristo sa mga bansa ng mundo.
Ang sagot ng Diyos sa kakulangang ito ay ang tawagin ang mga anak ni Cristo (mga taong katulad ni Pablo) upang gumawa ng personal na paglalahad ng mga paghihirap ni Cristo sa mundo. Sa paggawa nito, “naipagpapatuloy [natin] ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo.” Tinatapos natin ang layunin ng mga paghihirap na ito—ang personal na presentation sa mga taong hindi alam ang tungkol sa kanilang walang-hanggang kahalagahan.
Ngunit ang kamangha-manghang bagay tungkol sa Colosas 1:24 ay kung paano pinunuan ni Pablo ang kulang sa mga paghihirap ni Cristo.
Sinasabi niya na ang sarili niyang pagdurusa ang pumupuno sa mga paghihirap ni Cristo. Ibig sabihin, kung gayon, ipinapakita ni Pablo ang mga pagdurusa ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang sariling pagdurusa para sa mga taong sinisikap niyang madala kay Cristo. Sa kanyang pagdurusa, dapat nilang makita ang mga pagdurusa ni Cristo.
Narito ang kamangha-manghang outcome: Nilalayon ng Diyos na maipakita sa mundo ang mga paghihirap ni Cristo sa pamamagitan ng mga paghihirap ng Kanyang mga anak.
Talagang plano ng Diyos para sa katawan ni Cristo, ang simbahan, na maranasan ang ilan sa pagdurusang dinanas Niya, para kapag ipinahayag natin ang krus bilang daan tungo sa buhay, makikita ng mga tao ang mga tanda ng krus sa atin at madama ang pagmamahal ng krus mula sa atin.