Hindi natakot si Jesus sa awtoridad ni Pilato na ipapako Siya. Bakit hindi?
Hindi dahil nagsisinungaling si Pilato. Hindi dahil wala siyang awtoridad na ipapako si Jesus. Mayroon siya nito.
Sa halip, hindi natakot si Jesus sa awtoridad na ito dahil ito’y may pinanggalingan. Sabi ni Jesus, “Ibinigay iyan sa iyo mula sa langit.” Ibig sabihin, may kapangyarihan talaga ito. Hindi kulang. Ngunit labis.
So, paano ito hindi nakakatakot? Hindi lang may awtoridad si Pilato na ipapatay si Jesus. Mayroon siyang God-given na kapangyarihan na ipapatay Siya.
Hindi natakot si Jesus dito dahil ang kapangyarihan ni Pilato sa Kanya ay nakapailalim sa awtoridad ng Diyos kay Pilato. Nakakakuha ng comfort si Jesus sa sandaling ito hindi dahil walang kapangyarihan ang kalooban ni Pilato, kundi dahil may gumagabay sa kalooban ni Pilato. Hindi dahil wala si Jesus sa mga kamay ng takot ni Pilato, kundi dahil si Pilato ay nasa mga kamay ng Ama ni Jesus.