Listen

Description

Ang alipin nang tawagin ng Panginoon ay malayang tao ng Panginoon. Gayundin naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo ay alipin ni Cristo. (1 Corinthians 7:22, sariling salin)

Aasahan ko sanang pagpapalitin ni Paul ang “Panginoon,” na ibig sabihin ay Master, at “Cristo,” na ibig sabihin ay Messiah.

Iniuugnay Niya ang ating kalayaan kay Jesus bilang ating Master (“malayang tao ng Panginoon”). At iniuugnay niya ang ating bagong pagkaalipin kay Jesus bilang ating Messiah (“alipin ni Cristo”). Tila kakatwa ito dahil dumating ang Messiah para palayain ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga mananakop; at kinokontrol ng masters ang buhay ng kanilang mga alipin.

Bakit niya sinasabi ito sa ganitong paraan? Bakit niya iniugnay ang pagkaalipin (imbis na kalayaan) sa Messiah, at kalayaan (imbis na pagkaalipin) sa Master?

Isang mungkahi: Ang pagpapalit ay may dalawang epekto sa ating bagong kalayaan at dalawang epekto sa ating bagong pagkaalipin.

Sa isang banda, sa pagtawag sa atin na “malayang tao ng Panginoon,” nililigtas at nililimitahan Niya ang ating bagong kalayaan:

1. Ang Kanyang Pagkapanginoon ay mas mataas sa lahat ng ibang panginoon; kaya walang kokontra sa ating kalayaan — siguradong ligtas tayo.

2. Ngunit, kahit malaya tayo sa lahat ng ibang panginoon, hindi tayo malaya sa Kanya. Ang ating kalayaan ay limitado dahil sa habag. Si Jesus ang ating Master.

Sa kabilang banda, sa pagtawag sa atin na “alipin ni Cristo,” niluluwagan Niya ang ating pagkaalipin:

1.  Inaangkin tayo ng Messiah bilang pag-aari Niya, para dalhin tayo mula sa pagkaalipin patungo sa bukas na lugar ng kapayapaan. “Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman” (Isaias 9:7).

2. At inaangkin Niya tayo para bigyan ng pinakamatamis na kagalakan. “Ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo’y aking idudulot” (Mga Awit 81:16). At ang Batong iyon ay si Cristo, ang Messiah.

Kaya, Cristiano, magalak tayo rito: “Ang alipin nang tawagin ng Panginoon ay malayang tao ng Panginoon”  — ang Master. “Gayundin naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo ay alipin ni Cristo” — ang nagbibigay kaluwagan at tamis na Messiah.