Kabilang kayo sa mga unang pinili [ng Diyos] upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (2 Tesalonica 2:13)
Binanggit ng Biblia ang ating eleksyon — ang pagpili ng Diyos sa atin — kay Cristo bago ang pundasyon ng sanlibutan (Efeso 1:4), bago pa tayo makagawa ng anumang mabuti o masama (Roma 9:11). Samakatuwid, ang ating eleksyon ay unconditional sa pinakadalisay na kahulugan. Hindi rin batayan ang ating pananampalataya o ang ating pagsunod para rito. Ito’y walang bayad at hindi nararapat sa atin.
Sa kabilang banda, maraming talata sa Biblia ang nagbabanggit ng ating panghuling kaligtasan (taliwas sa ating eleksyon ng eternity past) bilang conditional, batay sa isang nabagong puso at buhay. Kaya ang tanong ngayon ay, Paano ko masisiguro na ako’y magpapatuloy sa pananampalataya at kabanalang kailangan upang magmana ng buhay na walang hanggan?
Ang sagot ay nakaugat ang ating kasiguraduhan sa ating eleksyon. Sabi ng 2 Pedro 1:10, “Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang matiyak ninyo na kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo matitisod.” Ang divine election ay pundasyon ng pagiging committed ng Diyos na iligtas ako. Kung gayon, Siya’y kikilos sa akin sa pamamagitan ng biyaya ng pagpapabanal, upang ituloy ang anumang sinimulan ng Kanyang mapagbiyayang pagpili sa akin.
Ito ang kahulugan ng bagong covenant. Lahat ng naniniwala kay Jesus ay siguradong benepisyaryo ng bagong covenant, dahil sinabi ni Jesus sa Lucas 22:20, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo.” Kung baga, sinigurado ng aking dugo ang bagong covenant ng lahat ng nasa akin.
Sa bagong covenant, hindi lang basta nag-uutos ng pagsunod ang Diyos; binibigay Niya ito. “Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso at gayundin ng inyong mga anak upang ibigin ninyo siya nang buong katapatan. Sa ganoon mabubuhay kayo nang matagal” (Deuteronomio 30:6). “Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos” (Ezekiel 36:27; cf. 11:20). Ito ang mga pangako ng bagong covenant.
Ang eleksyon ay ang panghabang-buhay na commitment ng Diyos na gawin ito para sa Kanyang mga anak. Kaya naman sinisigurado ng eleksyon na ang mga pinawalang-sala ng Diyos ay Kanyang babahaginan ng Kanyang kaluwalhatian (Roma 8:30). Ibig sabihin, hindi Siya titigil sa pagkilos sa atin upang makamit natin ang lahat ng kondisyon para sa kaluwalhatian.
Ang eleksyon ang huling saligan ng kasiguraduhan. Dahil nag-commit ang Diyos na iligtas tayo, nag-commit din Siya na itaguyod ang lahat ng kailangan para sa kaligtasan natin.