Listen

Description

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. (Juan 6:35)

Ang kailangan nating makita ay ito: Ang esensya ng pananampalataya ay pagiging satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo.

Ang pagbibigay-kahulugan sa pananampalataya sa ganitong paraan ay nagbibigay-diin sa dalawang bagay. Una, ang naka-sentro sa Diyos na pananampalataya. Hindi lamang ang mga pangako ng Diyos ang nagbibigay kasapatan sa atin. Ito ay kung Sino para sa atin ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Niyayakap ng pananampalataya ang Diyos kay Cristo bilang ating kayamanan — hindi lang ang mga pinangakong regalo ng Diyos.

Nilalagay ng pananampalataya ang kanyang pag-asa hindi lamang sa real estate ng darating na panahon, kundi sa katotohanang naroon ang Diyos (Pahayag 21:3). “Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, ‘Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila.’”

Kahit ngayon, buong-buo ang pagtanggap ng pananampalataya hindi lamang sa katotohanan ng mga napatawad na kasalanan (gaano man ito kahalaga), kundi ang presensya ng buhay na Cristo sa ating mga puso at ang kapunuan mismo ng Diyos. Sa Efeso 3:17–19, pinanalangin ni Pablo na “manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig . . . at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.”

Ang isa pang binibigyang-diin sa pagbibigay ng kahulugan sa pananampalataya bilang pagiging satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo ay ang salitang “satisfaction.” Ang pananampalataya ay ang pagpawi ng uhaw ng kaluluwa sa bukal ng Diyos. Sa Juan 6:35, makikita natin na ang “paniniwala” ay “paglapit” kay Jesus upang kainin at inumin ang “tinapay ng buhay” at “tubig na buhay” (Juan 4:10,14), na walang iba kundi si Jesus mismo.

Heto ang sikreto ng kapangyarihan ng pananampalataya na wasakin ang pang-aalipin ng kasalanan. Kung ang puso ay satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo, nawawasak ang kapangyarihan ng kasalanan na ilayo tayo sa karunungan ng Diyos.